Simulan ang Loading, Bills Payment, at Cash-In business gamit ang Saripay Negosyo+

 

Ang Negosyo+ ay may mga digital services tulad ng loading, bills payment, at e-wallet cash-in. Nakakatulong itong magbigay ng dagdag kita at palawakin ang negosyo.

 

Saripay Negosyo+ Services

  1. Load – Mag-load sa Smart, TNT, Globe, TM, DITO ng mga suki
  2. Bills Payment – Magbayad ng bills tulad ng tubig at kuryente ng mga suki
  3. Cash-In – Mag-cash-in sa GCASH o Maya ng mga suki

 

Paano kayo kikita?

Load

    1. 4% cashback kada transaction (ex. P4 kita sa P100 load)
    2. 0 convenience fee
    3. Discounts at cashback promos

Bills Payment 

      1. Mag-charge ng convenience fee sa suki

Cash-In

        1. Mag-charge ng convenience fee sa suki

 

Paano magsimula?

  • Mag-top up ng Saripay Wallet para makasimula gumamit ng services.
    1. Bumalik sa Homescreen at click Top Up Now.
    2. Pumunta sa My QR Ph.
    3. Maaaring tumanggap ng payments gamit ang inyong QR para magkalaman ang inyong Wallet.
      1. Sabihin lang sa suki na i-scan ang inyong Saripay QR para maka-transfer sila ng bayad.
    4. Maaari ding mag-transfer mula sa ibang e-wallets.
      1. Download your QR.
      2. Buksan ang app ng ibang e-wallet.
      3. Click QR at i-upload ang Saripay QR.
      4. Ilagay ang amount na gustong ilipat sa Saripay Wallet.

Kapag may laman na ang Saripay Wallet, maaari nang magsimula mag-load, bills pay, o cash-in!

 

Paano mag-Load?

  1. Mula sa Homescreen o Negosyo+, pumili ng provider (Smart, TNT, Globe, TM, o DITO).
  2. Ilagay ang mobile number.
  3. I-search ang load package keyword o amount.
  4. Confirm your payment.
  5. Instant na matatanggap ni suki ang load.
  6. Instant mo din na matatanggap ang cashback!

 

Paano gumamit ng Bills Payment?

  1. Mula sa Homescreen o Negosyo+, click Bills Pay.
  2. I-search ang biller na gusto bayaran.
  3. Ilagay ang account details.
  4. Confirm your payment.
  5. Ang confirmation ay ipapadala ng biller sa inyong account sa loob ng 1-3 na araw.

 

Paano gumamit ng Cash-In?

  1. Siguraduhing nakumpleto mo na ang Silver Registration para magamit ang Cash-In.
  2. Mula sa Homescreen o Negosyo+, click Cash-In.
  3. Pumili kung sa GCASH o Maya gusto mag-cash-in.
  4. Ilagay ang account details.
  5. Confirm your payment.
  6. Instant na matatanggap ni suki ang cash-in amount.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed