Ang ELista ay isang programa ng G2M Financing Corporation (“G2MF” o “Saripay”) na naglalayong magpahiram ng karagdagang kapital para sa mga kwalipikadong Tindahan upang madali silang makapag benta ng mga produkto o serbisyo na available sa suppliers na nakalista sa website ng Saripay (ang “Programa”). Ang mga kwalipikadong Tindahan ay papayagang maka-utang at bibigyan ng ‘delayed payment scheme’ (“limit”) pagkatapos sumang ayon at pumirma sa Loan Agreement o Terms & Conditions na ito. Ang ipapahiram na kapital ay maaaring magamit ng may-ari ng Tindahan upang matustusan ang bawat pag-order o transaksyon sa mga supplier na nakalista sa Saripay website. Ang kumpirmasyon sa pinamili at instructions para sa pag release o pag disburse ng loan proceeds o pagbabayad sa supplier na binilhan ay maaaring gawin sa Saripay website. Hangga’t ang Tindahan ay nagbabayad sa tamang oras at pinapalaki ang halaga ng mga transaksyon, ang limit na maaring ibigay sa kwalipikadong Tindahan ay maaaring tumaas, ayon sa pagpapasya ng Saripay. Ang mga processing fees para sa paggamit ng programang ito ay nakadepende sa uri ng tindahan at sa uri ng transaksyon na ginagawa ng tindahan sa Saripay. Ang mga detalye kung paano gumagana ang programa na ito ay makikita sa ibaba. Ang ‘financing’ o ‘delayed payment scheme’ na ito ay ipinagkaloob ni G2M Financing Corporation o G2MF o Saripay, ang legal na institusyon na nagkakaloob ng pagpapautang.
Kwalipikadong Tindahan
Karapatan ng G2MF o Saripay na suspindihin, tanggapin, tanggihan, o wakasan ang paglahok ng mga kwalipikadong Tindahan sa Programa.
Kasama nito, karapatan din ng G2MF o Saripay na mag-set ng credit limit o isara ang account ng kwalipikadong tindahan ng walang kinakailangang abiso o pahayag kung ang naturang account ay hindi ginagamit ng maayos, hindi na nakakabayad o may misrepresentasyon ang account holder o sa anumang kadahilanan na makatiran na matutukoy ng G2MF o Saripay.
Pagbabayad
Ang principal amount ng Programa at ang processing fees at penalties ay dapat bayaran bago o sa takdang petsa na tinutukoy sa Saripay. Ang lahat ng kabayaran sa ilalim ng Programang ito ay gagamitin muna sa pagbabayad ng processing fees at sa balanse naman ng natitirang principal amount pagkatapos.
Paraan ng Pagbabayad
Ang principal amount, processing fees ng Programa, na babayaran nang buo, ay maaaring bayaran (1) sa shipper o collecting agent sa araw ng koleksyon ng tindahan o (2) sa isang Cash Collection Officer (“CCO”). Ang kabuuang halaga ng principal amount, processing fees at late penalties ay maaaring bayaran gamit ang cash. Maaaring magbukas ang Saripay ng mga karagdagang channels kung saan maaaring magbayad ang tindahan ng kanilang natitirang halaga.
Pagtanggal ng Serbisyo
Karapatan ng G2MF o Saripay na suspendihin ang access ng tindahan sa mga serbisyo na nakalagay hanggat mayroong natitirang naantalang bayad sa Programa nang walang kinakailangang pag-abiso sa kwalipikadong tindahan. Ang mga nasuspindeng serbisyo ay maaaring ipagpatuloy, base sa discretion at pagpapasya ng G2MF o Saripay, pagkatapos mabayaran ang kabuuan ng natitirang balanse sa Programa.
Processing Fee
Ang processing fee ay isang payment na sinisingil sa bawat pag-avail ng Programa o bawat order sa supplier na ang kaukulang bayad ay ipapahiram ng Saripay sa tindahan. Maaring mag-iiba ang processing fee batay sa uri ng tindahan at bawat offer na ibibigay. Ang mga processing fees ay maaaring mabago, at ang Saripay ay may karapatan upang itakda ang mga processing fees na sisingilin nito sa mga kwalipikadong tindahan, napapailalim sa mga nauukol na batas. Kung hindi sang-ayon ang tindahan sa panibagong processing fee ay maaring hindi na ito ipagpatuloy ang programa. Ang processing fees ay hindi nagco-compound at mananatiling tiyak na halaga batay sa inyong principal amount. Ang mga tindahan na mananatiling aktibo, magbabayad nang nasa oras, at mag-oorder nang mas malaki ay maaaring mapailalim sa mas mababang processing fee depende sa pagpapasya ng Saripay. May kasamang VAT ang lahat ng fees na naitakda. Ang mga naunang naibayad na processing fees ay hindi maibabalik sa Kalahok kahit na may maagang pagbayad katulad ng nabanggit sa ibaba.
A. Idadagdag sa singil / Processing Fee
*Pay Suppliers: Pag-order ng produkto – 3.50% ng binili
*Paninda Cash: Pag-avail o kumpirma sa transaksyon – 3.5% ng halagang hiniram
Late Payment Penalties
Maaring magpatong ang Saripay ng late payment fee charges or interest fees para sa mga bills na hindi nabayaran sa takdang petsa ng pagbayad o pagkatapos ng isang linggo makalipas ang transaksyon sa Pay Suppliers. Sa Paninda Cash, ito ay pagkatapos ng dalawang linggo makalipas ang transaksyon. Nakalahad sa ibaba ang breakdown ng mga isisingil na late payment fees sa customer:
A. Pag hindi makapag-bayad sa Unang Singil or pagkatapos ng 7 araw (Pay Suppliers) o 14 days (Paninda Cash) makalipas ang transaksyon:
Para sa Pay Suppliers at Paninda Cash, 3.50% ng principal
Para sa Paninda Cash, 4.99% ng principal
B. Pag hindi makapag-bayad sa mga Sumusunod na singil kada linggo:
Para sa Pay Suppliers at Paninda Cash, 3.50% ng principal ang idadagdag sa bawat 7 days na late ang bayad mula sa takdang petsa ng pagbayad.
*Maaaring permanenteng magbago ang mga penalties, ang mga ibabawas sa rebate, at ang mga idadagdag sa singil para sa mga kwalipikadong tindahan na nagmula sa mga partners ng Saripay.
Maaaring pansamantalang magbago ang mga penalties, ang mga ibabawas sa rebate, at ang mga idadagdag sa singil para sa mga promosyon (marketing promotions) at mga sinusubukang programa (test programs).
Summary: Itemized Charges, Fees and Costs:
Pay Suppliers
Processing Fee | 3.5% of the principal per order | Upon ordering |
Late Penalty Fee | Additional 3.5% of the principal | For every week late |
Paninda Cash
Processing Fee | 4.99% of the principal per order | Upon ordering |
Late Penalty Fee | Additional 3.5% of the principal | For every week late |
Sample computation:
Principal Amount Ordered / Principal Loan | 3.5% Processing Fee | Total Amount to be paid after 7 days | Late Penalty Fee if no payment after 7 days |
P1,000.00 | P35.00 | P1,035.00 | Additional P35.00 per week |
Limitasyon sa Pag-gamit ng ELista Program
Ang mga Kalahok ng programang ito na napatunayan na nagbabayad sa tamang oras at nag-oorder ng mas malaki sa Saripay ay maaaring makakatanggap ng mas mataas na Limit. Ang iyong limit ay maaring makita sa Saripay app. Maaari ring mabawasan ang inyong limit dahil sa pagbayad nang lagpas sa takdang petsa at hindi madalas na paggamit ng mga serbisyo ng Saripay.
ELista Offer
Ang lahat ng mga ELista offers, na binubuo ng Amount Availed, Due Date, Amount due, at ang Natitirang Balanse, ay ihaharap at ibubuod bago makumpirma ng kalahok ang paggamit ng ELista Offer. Bawat kwalipikadong Tindahan na nag-avail at na-aprubahan sa Programa (“Kalahok”) ay bibigyan ng kopya nito. Maaari rin mag-request ang Kalahok sa summary ng kanyang na-avail and naaprubahan na loan o loan history at mga kailangan bayaran sa pamamagitang nag pag-request at pag message sa Saripay Facebbok page (https://www.facebook.com/SariPayPH).
Maagang Pagbayad
Ang Kalahok ay may karapatang bayaran nang maaga ang lahat o anumang bahagi ng balanse sa Programang ito, kasama ang mga naipon at hindi bayad na processing fees, sa anumang oras nang walang parusa o premium ng anumang uri. Maaaring gawin ang maagang pagbayad sa nabanggit na mga payment options.
Confirmation of Transaction / Disbursement or Release of Loan Proceeds / Payment Instructions
Kaugnay ng Kasunduan na ito, pinahihintulutan ko ang G2MF o Saripay na bayaran, sa ngalan ko, ang mga Suppliers na nakalista sa Saripay website pagkatapos ko maipadala, gamit ang Saripay website, ang kumpirmasyon ng ang aking mga binili.
Mga Supplier na Tumatanggap ng Wallet Money Transfers
Maari ring gamitin ang ELISTA sa mga supplier o tindahan na tumatanggap ng wallet money transfer o QRPH scanning na paraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng “Pay Suppliers”.
Impormasyon ng Account Holder
Ang mga impormasyon, personal man o hindi, ng Account Holder ay pinapahintulutan nito na gamitin ng Saripay para sa pagbibigay ng mga serbisyo ayon sa kasunduan na to. Maari rin itong gamitin ayon sa nakasaad sa Terms and Conditions ng Saripay Service.
Talaan at Pangangalaga ng mga Impormasyon
Ang G2MF ay siyang magiging tagatago at tagapangalaga ng mga talaan ng mga transaksyon, collection/repayment at iba pang talaan ng mga account at loan. Ang mga ito ay matatagpuan at nasa pangangalaga ng G2MF system.
Mga Kahalili at Tagapagmana
Ang programang ito ay papakinabangan at mananatiling umiiral sa mga kahalili at mga tagapagmana ng kalahok. Subalit, ang Kalahok ay hindi maaaring magtalaga ng mga karapatan nito o mag-utos ng mga tungkulin sa ilalim ng Programang ito nang walang naunang nakasulat na pahintulot ng Saripay.
Pagkakahiwalay
Kung sakaling ang alinman sa mga probisyon ng programang ito ay hindi wasto o hindi maipapatupad nang buo o sa bahagi sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas, ang mga natitirang wastong probisyon ay hindi maaapektuhan at magpapatuloy na maging wasto at maipapatupad na parang ang mga maling probisyon ay hindi kasama sa Programang ito.
Amendments
Ang Saripay ay may kakayahang i-modify o i-amend and terms ng implementing agreement na ito sa company website na pay.saripay.com, o sa pag-update ng aming terms and conditions na makikita sa Saripay application. Ang patuloy na paggamit ng Saripay o ng ELista program at kung kami ay walang matanggap na sulat kung saan nakasaad ang anumang concern sa amendment sa loob ng 14 na araw matapos ma-amend o ma-modify ang terms and conditions ay maituturing na naiintindihan at pumapayag ka sa mga pagbabagong nakasaad dito.