Growsari Enterprise Inc. Terms and Conditions

Last updated on August 26, 2024

Ang ELista ay isang programa ng GrowSari Inc. (“Growsari”) na naglalayong magbigay ng karagdagang kapital para sa mga kwalipikadong Tindahan upang madali silang makapagbenta ng mga serbisyong inaalok ng GrowSari (ang “Programa”). Ang mga kwalipikadong Tindahan ay bibigyan ng credit limit na maaaring magamit ng may-ari ng Tindahan upang matustusan ang bawat pag-order o transaksyon na ginagawa nila sa GrowSari. Hangga’t ang Tindahan ay nagbabayad sa tamang oras at pinapalaki ang halaga ng mga transaksyon, ang credit limit ay maaaring tumaas. Ang mga processing fees ay nakadepende sa uri ng tindahan at sa uri ng transaksyon na ginagawa ng tindahan sa GrowSari. Ang mga detalye kung paano gumagana ang programa na ito ay makikita sa ibaba.

Kwalipikadong Tindahan
Karapatan ng GrowSari na tanggapin, tanggihan, at wakasan ang paglahok ng mga kwalipikadong Tindahan sa Programa.

Pagbabayad
Ang principal amount ng Programa at ang processing fees ay dapat bayaran sa o bago ang takdang petsa na tinukoy sa Growsari app. Ang lahat ng kabayaransa ilalim ng Programang ito ay gagamitinmuna sa pagbabayad ng processing fees at sa balanse naman ng natitirang principal amount pagkatapos.

Paraan ng Pagbabayad
Ang principal amount ng Programa, na babayaran nang buo, ay maaaring bayaran sa shipper sa araw ng koleksyon ng tindahan, sa isang Cash Collection Officer (“CCO”) o sa pamamagitan ng isang branch ng 7-11, base sa naaangkop. Ang kabuuang halaga ay maaaring bayaran gamit ang cash o Saripay Wallet. Maaaring magbukas ang Growsari ng mga karagdagang channels kung saan maaaring magbayad ang tindahan ng kanilang natitirang halaga.

Pagtanggal ng Serbisyo
Karapatan ng Growsari ana suspendihin ang access ng tindahan sa mga serbisyo na nakalagay sa app hangga’t mayroong natitirang naantalang bayad sa Programa. Ang mga nasuspindeng serbisyo ay maaaring maipagpatuloy pagkatapos mabayaran ang natitirang balanse sa Programa.

Extension Fee
Para maibalik ang mga serbisyo sa app tulad ng pag-order ng mga paninda o kaya ang paggamit ng Saripay Wallet, maaaring magbayad ang tindahan ng extension fee na katumbas ng hinding matatawarang porsyento ng kanilang kabubuang utang. Ang extension fee na ito ay pinapatagal ang terms ng credit bill ng karagdagang 7 na araw (kasali ang araw ng pagbayad ng extension fee). May kasamang Value Added Tax (VAT) ang naturang extension fee .

CLeanProcessing Fee
Ang processing fee na sinisingil sa Programa ay mag-iiba batay sa uri ng tindahan at bawat credit offer na ibibigay. Ang mga processing fees ay maaaring mabago at ang Growsari ay may karapatan upang itakda ang mga processing fees na sisingilin nito sa mga kwalipikadong tindahan, napapailalim sa mga nauukol na batas. Ang processing fees ay hindi nagco-compound at mananatiling tiyak na halaga batay sa inyong principal amount hanggang mabayaran ang principal amount kasama ang bayad sa processing fees. Ang mga tindahan na mananatiling aktibo, magbabayad nang nasa oras, at mag-oorder nang mas malaki ay maaaring mapailalim sa mas mababang processing fee depende sa pagpapasya ng Growsari. May kasamang VAT ang lahat ng fees na naitakda. Maaari itong baguhin ng GSE sa kahit anong panahon, ngunit kailangan itong makita at makumpirma ng tindahan sa kanilang Payment Confirmation screen.

A. Idadagdag sa singil
Pag-order ng produkto – 3.50% ng binili

B. Ibabawas sa rebate
E-Loading – 2.00% ng iniload
SS Padala – Php 3.00 per transaction
Bills Payment – Php 2.00 per transaction

Limitasyon sa Pag-utang
Ang mga Kalahok ng programang ito na napatunayan na nagbabayad sa tamang oras at nag-oorder ng mas malaki sa Growsari ay maaaring makakatanggap ng mas mataas na Credit Limit. Ang iyong credit limit ay maaring makita sa Growsari app. Maaari ring mabawasan ang inyong credit limit dahil sa pagbayad ng lagpas sa takdang petsa at hindi madalas na pag gamit ng mga serbisyo ng Growsari.

Credit Offer
Ang lahat ng mga credit offers, na binubuo ng Amount Availed, Due Date, Amount due, at ang Natitirang Balanse ng Credit, ay ihaharap at ibubuod bago makumpirma ng kalahok ang paggamit ng Credit Offer.

Hindi Pagtupad
Kung pagkatapos ng makatwirang panahon matapos ang orihinal na takdang petsa na itinakda ni Growsari, ang balanse ay hindi pa rin ganap na bayad, lahat ng pera na nasa Saripay Wallet na kinita bilang rebate o top-up ay maaaring kunin ng Growsari bilang bayad sa nakabinbin na halagang hindi pa bayad. Inilalaan din ni Growsari ang karapatang magsagawa ng ligal na paraan upang matiyak ang kumpletong pagbayad ng Tindahan.

Maagang Pagbayad
Ang Kalahok ay may karapatang bayarang nang maaga ang lahat o anumang bahagi ng balanse sa Programang ito kasama ang mga naipon at hindi bayad na processing fees, sa anumang oras nang walang parusa sa pagbayad nang maaga o premium ng anumang uri. Maaaring gawin ang maagang pagbayad sa nabanggit na mga payment options.

Mga Kahalili at Tagapagmano
Ang programang ito ay papakinabangan at mananatiling umiiral sa mga kahalili at mga tagapagmano ng kalahok. Subalit, ang Kalahok ay hindi maaaring magtalaga ng mga karapatan nito o mag-utos ng mga tungkulin sa ilalim ng Programang ito nang walang naunang nakasulat na pahintulot ng Growsari.

Pagkakahiwalay
Kung sakaling ang alinman sa mga probisyon ng Program na ito ay hindi wasto o hindi maipapatupad nang buo o sa bahagi sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas, ang mga natitirang wastong probisyon ay hindi maaapektuhan at magpapatuloy na maging wasto at maipapatupad na parang ang mga maling probisyon ay hindi kasama sa Programang ito.