Ang utang ay perang hiniram na kailangang bayaran at kadalasan may interest. Ang pananaw ng karamihang tao ay “masama ang utang” pero may nakakatulong din na utang. Tingnan natin ang dalawang klase ng utang:
Bad Debt / Masamang Utang | Good Debt / Nakakatulong na Utang |
---|---|
Panggastos sa mga di essential katulad ng: | Panggastos sa pagpalago ng negosyo: |
🎲♠️ Pagsusugal | 🏫🎒✏️ Tuition fee o gastos sa eskwelahan/ pag-aaral |
🚬🍺 Mga bisyo katulad ng Yosi at alak | 🛒🍭 Cellphone gadget pang-negosyo/ pang-trabaho |
📱🤳 Bagong cellphone na gagamitin lang pang-Facebook, Tiktok | 💻💼 Dagdag puhunan para sa negosyo (hal. groceries para sa sari-sari store) |
🎁👰🎂 Bonggang party (birthday, kasal, debut) |
Ang utang o “good debt” ay maaring maging paraan upang makabili ng dagdag inventory sa iyong negosyo. Para magamit ang utang sa paraan na makakatulong, pwede tong gamitin sa mga groceries na fast moving at mataas ang patong/ kita. Mas sulit ang paggamit ng Elista, sa mga recommended products na ito:
Produkto | Fast Moving ba? (Mabilis ibenta) | % Patong (on average, dependa sa brand & lugar) |
---|---|---|
Sigarilyo/ Cigarettes | Fast Moving | 10% |
Alak/ Alcohol | Fast Moving | 15% |
Soft drinks | Fast Moving | 20% |
Shampoo, Sabon/ Personal Care | 20% | |
Kendi/ Candies & Chocolates: | 25% |
Hal: Kung magbebenta kayo ng alak, isang halimbawa ay yung Alfonso Light.
Bili niyo: | P268 |
Benta niyo: | P300 |
Patong niyo: | P32 |
Elista processing fee (4.5%): | P12 |
Kita kada benta: | P32 - P12 = P20! |
May P20 pa rin kayong kikitain bawat bote ng Alfonso Light, o P240 per case (= P20 x 12 bote). Dahil fast moving item yung alak, hindi pa due ang Elista credit bill niyo/ wala pang collection date, mabebenta niyo yung stocks na walang linalabas na kapital, may kita pa kayo!
Pwede maging maganda o masama ang utang depende sa Iyong paggamit. Laging alalanin na maging responsable sa mga financial decisions!